Nagtamo ng pangalawang karangalan sa Parada ng mga Parol 2016 ang Kolehiyo ng Edukasyon, kasama ang UP Integrated School (UPIS) at National Institute for Science and Mathematics Education Development (NISMED).  Ang paboreal na sumasagisag sa dangal at karunungan ang mataginting na tinig na sumalamin sa temang “Himig ng Diliman, Hagkan ang Gabi”.

001

Ang boses ng edukasyon o karunungan ang nagsisilbing mahalagang pundasyon sa paglinang ng kakayahan ng bawat mamamayan. Ito ang gabay sa pagsulong ng mga mithiin ng sambayanan tungo sa makatao at mapagpalayang pagbabago.  Patuloy ang edukasyon na humuhubog sa ating lipunan at pambansang pagkakakilanlan.

Ipinapakita ng tikas ng tindig ng paboreal ang angking dangal ng bawat mamamayan sa ating lipunan. Ipinapahiwatig naman ng maningning at kumikinang na mga balahibo nito, na gawa sa tradisyonal na pamaypay na anahaw at mga CD, ang pagiging tanglaw ng karunungan sa ating kinabukasan.002

Sa tulang Tanglaw na akda ng isang mag-aaral sa Eduk na si Mark Angelo Francisco, napapaloob ang kahulugan ng simbolong ito.

003 004

005

Go Eduk! Walang hanggang pasasalamat sa lahat ng naggugol ng panahon upang maging matagumpay ang Parada ng mga Parol 2016!

Photo Credits: Sharehann Lucman, Phoebe Beltran-Almazan, and Arnel Gerolia